Tweet |
by Melvie M. Getonzo
(Doha, Qatar)
Sa Feb. 23, 2011 one year na 'ko dito. May libre ba akong ticket pauwi sa Pilipinas? Nagpaalam akong umuwi na lang pero sinabihan ako ng amo kong babae na bumili ako ng sarili kong ticket kasi hindi ko daw tapos 'yong dalawang taon.
Pero ang usapan namin bago ako pumunta dito, sabi nila walang problema umuwi every year. At saka sinabi ko naman sa amo ko na uuwi ako kasi emergency nagkasakit 'yong anak ko. Sinagot lang ako ng "Eh".
Tapos palaging nanghihiram. Pag sinisingil nagagalit.
Me kasama akong Pinay din. Wala kaming libre dito sa personal na gamit. Tapos sa tuwing magkasala kami kahit hindi man malaking kasalanan, cut salary kaagad. 730 Qatari Riyal lang sahod ko. Ang pinagtataka ko, nadagdagan yong trabaho ko – magluto, maglinis at magbantay pa ng bata – gano’n pa rin ang sahod ko. Yong kasama ko naging 1,000 Qriyal. Ako napako pa rin sa 730.
Nagtatrabaho na nga kami sa gusto nila, sabihin pa na wala kaming ginagawa. Tapos hindi pa sapat 'yong pagkain. Alam po ba ninyo na hindi kami nagluluto tapos ang ipinapakain sa amin ay panis na kanin? Maraming bawal. Hindi pwedeng kumain ng ganito kasi bawal. Marami na ngang trabaho gutom pa kami. Ngayong babalik d'yan sa Pilipinas mag-uumpisa naman kaming manginig sa gutom.
Mahirap yong ganitong sitwasyon. Kaya nag desisyon na lang akong umuwi. Kahit kalahati lang sana sa kanila. Kalahati din sa akin.
Salamat.
MELVIE M. GETONZO
Doha, Qatar
Sagot ni Dom: Ang pamasahe pabalik sa Pilipinas ay sagot talaga ng employer kung natapos ang kontrata. Iba kasi ang sitwasyon nyo kasi one year pa lang kayo sa trabaho at di pa tapos ang kontrata. Yong every year na uwi nyo sana ay maaaring bakasyon lang kaya pwedeng sagutin ng amo nyo ang ticket pag ganon. Nasa kontrata din dapat yon.
Makikita din sa kontrata kung magkano ang sweldo nyo. Hindi nyo nasabi kung ano ang trabaho nyo pero kung kayo ay kasambahay, US$400 dapat ang pinakamababang sweldo nyo ayon sa POEA standard contract. Ang QAR730 ay katumbas lang ng US$200.
Yong pwede pang ibigay na libre ng amo nyo ay nasa kontrata din. Maaaring personal na gamit yan o pagkain man. Saka yong sakop ng trabaho nyo ay hindi dapat lalabas doon sa kung ano ang nakalagay sa kontrata. Maaring wala sa kontrata yong dagdag na trabaho. Maaari ding nandon.
Magpunta or tumawag kayo sa POLO (Philippine Overseas Labor Office) or Philippine Embassy sa Doha, Qatar para ipaalam ang inyong sitwasyon at humingi ng payo sa kanila. Mangyaring kunin ang name ng makakausap nyo at kung ano ang payo nila at ipaalam ulit sa overseas-filipinos.com para na rin sa kaalaman ng iba pa nating mga kababayang OFWs dyan.
Address at contact numbers ng POLO at Philippine Embassy sa Doha, Qatar:
Philippine Overseas Labor Office
Al Abraj St., Fariq Bin Omran
P.O. Box 24900
Doha, Qatar
Tel . No. (+974) 487 0487
Fax No. (+974) 488 3858
Philippine Embassy
Villa #7 A1 Eithar Street
Saha 2, West Bay Area
P.O. Box 24900
Doha, Qatar
Tel. No. (+974) 483 1585, 483 2560, 483 6871
Fax No. (+974) 483 1595
Maraming salamat sa kwento, Melvie!
Join in and write your own page! It's easy to do. How? Simply click here to return to Email Me.
Tweet |