Travel To America Through u.stravelguide.com

by Jayson Bedonia

Pinagbabayad po kmi ng travelguide ng 900 dollars para sa processing fee. Gusto ko po malaman kung legal ang u.stravelguide.com na nakakapagpaalis papuntang USA.



Dom’s reply: Para saan po yong processing fee? Ano po ang purpose ng pagpunta nyo sa US at ano ang hiningi nyong assistance sa u.stravelguide.com? Kung purely tourist travel assistance, baka legal naman sya. Pwede nyo pong hingin sa u.stravelguide.com kung ano ang purpose ng business nila. O kaya tignan nyo sa walls sa office nila kung ano ang registration nila. Travel agency ba o recruitment agency?

Kung travel agency sya, hindi sya pwedeng magrecruit ng Overseas Filipino Workers or OFWs. Mga recruitment agency lang na may lisensya galling POEA and pwedeng mag-recruit ng OFWs. Tignan nyo po itong article na to para sa karagdagang kaalaman.

Di ko mapuntahan ang website ng u.stravelguide.com. Tama po ba yong website?

Update: Merong ustravelguide.com na website pero para sa hotel coupons sa US.

Para makasiguro, tumawag sa POEA hotline numbers (632) 722 1144 and 722 1155 at mag inquire kung legal magpa alis ang u.stravelguide.com papuntang US.

Comments for Travel To America Through u.stravelguide.com

Click here to add your own comments

Secure Identification Fee
by: Honey Lynn Casibua

May application din po ako papuntang Kentucky, USA at mag sponsor ng visa ko ibinigay sa akin ang name ng agency na to u.stravelguide at sabi nya normal lang daw na hihingi sila ng any amount para sa tinatawag na Secure Identification Fee papuntang USA.

Any comment about this.

Ano ang U.S. Travel Guide?
by: rashel bagnet

Isa po akong katulong dito sa Jordan. Matanong ko lang sana kung itong u.stravel ay isang agency kasi yong amo ko na kukuha sa akin eh ito daw ang agency na lalapitan ko. Kasi ito ang nagprocess ng papel nung dati nilang nanny at gusto ko pong tanungin kung mgkano daw ang gagastusin sa process ng papel at ano ang kailangan kung gawin para maumpisahan ang processing.

Security Identification Fee
by: marife magalona

Gusto ko lang malaman kong totoo talaga. Kung makakaalis ako kung sakaling magbayad ako ng $900 US dollars para sa verification fee. May sponsor kasi na gusto nya akong e-hire, taga Kentucky. Ibinigay nya po sa akin ang reference ng sponsor para po mag tanong ako sa billing ko from Philippines to U.S.

Nag reply naman po sa akin ang u.stravelguide@live.com kung magkano. Total billing po is $4700. Yong security identification is $900 US dollars. I send ko daw po ang $900 sa Western Union, name Scott Bush for UK. Pag daw po ako makabayad na ng $900 going to process na daw po papers ko. Wait na lang ako. Yon po ang sabi ng sponsor.

Nag tanong po ako bakit UK e United States sya. Marami po daw branches. Ang point ko po kung totoo naman ito, kasi po ipapadala ko na ang $900. Before I send this $900 I want to know if totoo po.

Thank you and God bless.

Dom's reply: Ang mga legal na transactions ay usually banks ang ginagamit para sa pag transfer ng pera. Kung may bank account kasi sila, nakapag register na sila sa US as a legitimate business.

Pakitignan po ang 10 Don'ts to avoid illegal recruitment at Internet job scams bago kayo magbayad.

Tumawag na din sa POEA hotline (632) 722 1144 at 722 1155 para magtanong kung legal ito.

u.stravelguide
by: jayson bedonia

Yes, tama yong u.stravelguide.com na website nila. Sana po malaman namin kung tama ba humihingi sila sa amin ng processing fee na 900 dollars? At gusto po naming malaman kung legal ba sila makakapagpaalis ng may sponsor going to kentucky U.S.A.


Dom's reply: Di ko pa rin ma access yong website. Paki copy na lang yong link ng website tapos i-paste nyo sa text box para makita natin.

Para saan po yong processing fee na hinihingi? Ano ang purpose ng travel sa US - tour or work? Kung work po yan pwede po nating i-verify sa POEA hotline telephone numbers (632) 722 1144 and 722 1155.

Click here to add your own comments

Join in and write your own page! It's easy to do. How? Simply click here to return to POEA.


Like this page?


Subscribe to
Overseas Filipinos

Your Email Address

This is safe with me.

Your First Name

Then

Follow Filipino Blog too